If you want to learn about stocks trading, dapat aralin mo muna. Isa sa mabisang paraan para matuto is to read books. Para sa akin ha, mas madali kong matutunan ang isang bagay pag binasa ko. However, most of the technical analysis books were written in English, at US market ang mga studies at examples. Kaya mahirap maka relate pag sa Philippine stock market ka nag trading.
Kaya mas gusto kong basahin itong libro na isinulat ng Traders Den dahil:
Number 1 - Taglish. So mas madali kong maintindihan ang mga technical terms.
Number 2 - Ang mga formula ng indicators ay malinaw na pinapaliwanag. Malalaman mo kung saan nanggagaling ang mga values ng mga indicators kagaya ng RSI, MACD at iba pa.
Number 3 - Meron din itong kasamang mga trading strategy. At ang bawat strategy na itinuturo ay may malinaw na entry at exit.
Yong ibang strategies na nandito sa libro na to ay meron akong tuturials paano siya gawin. Kagaya ang CALMA and MAMA strategy. In fact, CALMA strategy ang paborito kong gamitin dahil swak yong time frame nito sa akin. So, pwede mo ring hanapin dito sa channel ang mga strategies na yan.
At kung gusto mong e check ang libro na to, check mo lang sa link sa baba.
And pa share naman sa comment section kung ano yong paborito mong libro related sa stock market and stocks trading. Para mabasa ko naman.
No comments:
Post a Comment