Note: Below is the script is used to make the above video.
Ano nga ba ang mga dapat mong malaman pag dating sa pag plano about retirement?
In this video, hindi muna stocks trading ang pag uusapan natin. Ang topic ko ngayon ay ang dahilan kung bakit ako nag invest sa stock market at bakit ako nag aral mag stocks trading. Bakit nga ba?
Well, this is part of planning for my retirement. So ano-ano nga ba ang dapat mong malaman pagdating sa retirement planning? Coming up!
Maraming factors ang dapat e-consider pag dating sa retirement planning. Kasi iba-iba ang katayuan natin sa buhay. Yong iba, may mga anak na, yong iba naman wala. Merong mahilig mag travel, yong iba naman wala lang gusto lang tumambay. At syempre ang mga dreams mo sa buhay will affect how you plan and prepare for the future. Yon ay kung may plano ka para doon sa future.
Yong iba kasi lalo na pag medyo bata pa, syempre hindi pa iniisip nila yong pag plano sa future. At guilty po ako diyan. Dahil after college at nag karoon na ako ng trabaho, hindi ko talaga naisip ang mag plano about sa future. Lalong lalo na about retirement. Syempre ang bata bata ko pa ano!
Bakit ko pag iisipan ang retirement kakaumpisa pa nga lang magtrabaho eh. Pero hindi pala dapat ganoon. Planning for the future lalong lalo na sa retirement applies to everyone.
Mali yong sabihin na bata ka pa kaya hindi kailangang pagtuunan ng pansin ang pag plano sa pag retire. Maling Mali yon.
Ganito pala dapat, maski bata ka pa dapat umpisahan mo na. Yon malaking pag kakamali ko eh. Pero hindi ko naman masisisi ang sarili ko dahil wala naman kasing nag tuturo sa akin. Dapat talaga itinuturo ito ng mga magulang. Pero hindi ko rin masisisi ang aking mga magulang dahil hindi rin sila tinutruan ng Lolo at Lola ko. At hindi ko rin masisisi ang Lolo at Lola ko kasi hindi rin naturuan. Hehehehe. Walang katapusan to. Okey so pasalamat na lang ako at na realize ko na mag plano for retirement noong 40 years old na ako hahahaha. Hindi pa naman siguro huli ang lahat.
So kailan ba talaga dapat mag plano at mag invest for retirement? Kung hindi ka pa nag umpisa mag plano para sa iyong retirement kahit nasa anong edad at estado ka ng buhay ngayon. Ang sagot ay ngayon na! Ora mismo! AT THIS POINT IN TIME.
The younger the better.
So ikaw kung bata ka pa at napanood mo ang video na ito dahil napa subscribe ka sa channel na to dahil sa stocks trading abay, makinig ka. Dahil baka mamaya ay nag stocks trading ka lang or nag invest sa stocks market dahil narining mo lang sa kapit bahay mo. At pang starbucks lang pag nag ka gain sa merkado.
So dapat ito ay part ng iyong retirement planning.
Pero ang pinakamalaking tanong dito is magkano nga ba dapat ang dapat ma save or ma-ipon para sa retirement? Mahirap na tanong to. Pero sa tingin ko there's no such thing as enough dahil ang level of satisfaction natin ay hindi bumababa kundi laging pataas yan eh.
Kumbaga sa pag-inom ng alak eh tumataas dosage habang tumatagal sa pag inom ng alak.
So, dapat we need to define kung ano ang gagawin pag retire. Ako Bilang isang OFW, sa isang taon meron akong isang buwan na bakasyon. Sa bakasyon na yon kung ano daw ginagawa ko ito, daw yong somehow, gagawin ko for the rest of my retirement days. I love to read books, most of the time pag nasa bahay, I read books at nag trading ako. So kung ito gagawin ko pag retire, I think hindi masyado magastos retirement ko ano? Wag lang lagi talo sa trading hehehe.
Pero yong iba na mahilig mag travel.. abay dapat medyo malaki laki ihanda para sa retirement dahil magastos yon heheheh. So depende sa lifestyle. So ako maintain ko lang lifestyle ko na pabasa basa lng ng libro at jogging. So libro lang bilhin ko at running gears.
So ang financial advisers ay nag sasabi na ang dapat daw gawin to maintain your current lifestyle sa pag retire ay 75% ng iyong yearly income sa ngayon. So kung ang income mo ay 1 million ang isang taon, so dapat meron kang 750,000 per year para sa iyong retirement. So, 62,500 per month.
So, dapat meron kang investment na should generate 62,500 per month. Pero dapat adjusted din ito ng inflation kasi nababawasan purchasing power ng pera mo eh. So, kahit 3% inflation rate lang dagdag per year.
So for example is nasa prefered shares ang investment mo gaya ng San Miguel SMC2C series na may 1.5 pesos per share every three months. So you need to have 125,000 shares ng SMC2C para meron kang 187,500 pesos every 3 months galing sa dividendo na 1.5 per share. So yong 187,500 divide mo sa 3 months merong kang 62,500 pesos per month pang gastos to maintain your current lifestyle.
Now ang SMC2C ngayon ay nasa 79 pesos per share, so you need to have 9,875,000 para makabili ka ng 125,000 shares ng SMC2C.
Yan ay idea lamang syempre for sure hindi dapat ganun ka concentrated sa isang investment lang ang meron ka. Dapat diversified yan to avoid risk. At syempere hindi ganun kalaki ang investment mo dahil it should be accumulated overtime.
So ganun paman, malaki talaga ang kailanganin natin para ma maintain natin ating lifestyle sa ating pag retire. Kaya kailangan itong pag planohan habang malayo pa. Dahil kung hindi, paano yan? Baka aasa naman na tayo sa ating mga anak. Meron nga daw tinatawag na sandwich generation eh. Ito yong generation na need to support ageing parents and supporting childrens also. Tapos wala ng naitabi pag tanda or pag retire. So ganun na naman, aasa sa anak ang yong anak meron na din anak. So dapat maputol na ang cycle na ito.
Dapat we need to invest for our retirement para maputol na ito.
So guys there you go! Sana may nakuha kayo sa mga dinadaldal ko dito. At kung meron man at bago ka lang sa channel na ito, please consider subscribing naman diyan. Baka nemen. At kung ikaw naman ay nagbabalik sa channel maraming salamat sa iyo.
Mga ka retire Rich, laging tandaan hind lang OFWs deserve to Retire Rich kondi lahat tayong mga Filipino, let's plan for the future, lets plan for our retirement as early as now!
I will see you sa susunod na video.
No comments:
Post a Comment